^

Probinsiya

‘Killer mayor’ idiniin

- Nina Rose Tamayo, Ellen Fernando at Grace Amargo-Dela Cruz -

Nalalagay sa balag ng ala­nganing ang dating al­kalde ng bayan ng Trento, Agusan del Sur makaraang ikanta ng dating gunman ang mga pagpatay ng una sa mga kalaban sa politika may ilang taon na ang nakalipas maging noong nakalipas na eleksyon sa nabanggit na lalawigan.

Sa salaysay ng self-confessed killer na si Elmo “Boy” Numancia ng Purok 1, Sal­vacion, Trento, Agusan del Sur, sa opisina ng National Bu­reau of Investigation Anti-Organized Crime Division, isinangkot nito si dating Trento Mayor Escolastico Hitgano Sr. sa pagpatay kina Jun “Puga” Fuentes at Islaw Llames na dating alalay ni Agusan del Sur Rep. Jun Paredes.

Base sa sinumpaang sa­laysay ni Numancia, kasama ang abogadong si Atty. Aristotle Adolfo, lumitaw na pinatay niya si Fuentes sa utos ng nasabing alkalde dahil sa paniniwalang isang pugante at naging problema sa peace and order sa kani­lang bayan.

Naging pabuya ni Nu­man­cia, ang halagang P5,000 at trabaho sa muni­sipyo matapos niyang iligpit si Fuentes na kanyang pin­san sa bahagi ng Barangay San Isidro.

Matapos ang halalan ay muling ipinatawag ng nasa­bing alkalde si Numencia para itumba naman ang mga sumuporta sa kalaban sa politika na si dating Mayor Francis Ong na sina Islaw Llames, Edmar Llames at Tony Saranza sa halagang P10,000.

Kabilang sa mga biktima na pinaniniwalaang ipinapa­tay ng nasabing alkalde ay sina Alex Apura, Antonio Saraza, Rommel Sarabia at ang tangkang pagpatay kay Bienvenido Baquipo noong Mayo 4, 2000.

Ayon kay Numancia, na­natiling tikom ang kanyang bibig sa mahabang panahon dahil wala siyang mapag­katiwalaang tao para su­muko at kailan lang siya lumantad sa NBI sa tulong ng isang napagkatiwalaang mamamahayag dahil plano na siyang ipapatay ng nasa­bing alkalde.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi naman nakontak ang nasabing al­kalde para maibigay naman ang kanyang panig.

vuukle comment

AGUSAN

ALEX APURA

ANTONIO SARAZA

FUENTES

ISLAW LLAMES

NUMANCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with