GRO ni-rape slay ng adik

RIZAL —  Brutal na ka­ma­tayan ang sumalubong sa isang 30-anyos na guest relation officer (GRO) ma­tapos na halayin ay pinas­lang pa ng isang adik na obrero kung saan natag­puan ang bangkay ng una sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal kahapon ng umaga.

Basag ang bungo ng bik­timang si Jocelyn Mendoza, namamasukang GRO sa Southern Videoke Bar at re­sidente ng Sitio Bagong Sibol, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-8 ng umaga ng mga taong naglalakad sa kalsadang sakop ng nabanggit na barangay.

Nasakote naman ang suspect na si Jaime Picardal 25, construction worker at residente ng Villa Angelina, Sitio Manggahan, Barangay San Roque, Antipolo City.

Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal police director, walang saplot at basag ang bungo nang ma­tagpuan ang bangkay ng biktima at ilang metro ang layo ay natagpuan naman ang kanyang mga damit.

Sa hindi kalayuan sa crime scene ay nadiskubre ang pantalon ng suspek na may pagkikilanlan kaya nakilala agad ang suspek.

Sa follow-up operation ay naaresto naman ang sus­pek na lango pa sa dro­ga nang abutan sa sariling bahay.

Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing hindi nito alam ang kanyang na­gawa dahil sa paghithit ng marijuana.

Napag-alamang inilabas ng suspek ang biktima sa pi­napasukang bar at pina­ngakuan ng P250 bago niya ito dinala sa kanyang bahay sa Antipolo at doon niya ito ginamit.

Matapos makipagtalik ay humithit pa ng isang stick ng marijuana ang sus­pek at sa balak na muling ikama ang biktima ay tu­manggi na ito at nag­tang­kang mag-es­kandalo.

Dahil dito ay nagalit ang suspek kaya kinaladkad ang biktima sa kahabaan ng highway saka niya ito sapi­litang hinubaran at ginahasa saka pinaslang.

Kaagad namang binuhat ng suspek ang bangkay ng biktima at iniwan sa gilid ng kalsada bago ito hubo’t hu­bad na umuwi ng kanilang bahay at iniwan ang sout na damit sa sobrang pagka­taranta.

Show comments