15 tulak kalaboso

CAMP AGUINALDO Nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang 15-sibilyan na pinaniniwalaang tulak ng bawal na gamot sa isinagawang operasyon sa limang magkakahiwalay na lugar sa Pangasinan, ayon sa mga opisyal kahapon. Sa ulat ni P/Senior Supt.  Isagani Nerez, Pangasinan police director, kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Steve Clemente, Jovencio Cerdeniola, Bong Hidalgo, Melcher Esteves, Susan Maglinog, Terry Macaraeg, Macky Idia, Danny Marquez, Juan Villasenior, Jaymart Porbile, Reggie Garcia, Renard Siapno, Raymund Calulot, Jun-Jun Terreno at si Ryan Prangan. Napag-alamang isinagawa ang operasayon sa mga bayan ng Tayug, Manaoag, Pozorrubio, maging sa Urdaneta at Dagupan City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rolando Mislang ng Dagupan City Regional Trial Court. Nakumpiska sa mga suspek ang ilang ramo ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana na kanilang inilalako. Joy Cantos

 

Show comments