4 Hapones sa sex  video pinalaya

Pinalaya na ng mga awto­ridad ang apat na  Japanese nationals na naaresto mata­pos maaktuhang  gumagawa ng sex video sa pamosong Supla Island  sa  Cebu nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi.

Gayunman, idineklara na­mang black listed  base sa rekomendasyon ng pulisya sa Bureau of Immigration and Deportation ang mga sus­pek na sina Yokomiso Ma­sashi, 36; Takimoto Yo­ichiro, 40; Izu­no Ihirwaki, 24; at ang ba­baeng si Miyawaki Yuki, 26.

Ang apat ay naaresto ng  mga tauhan ng Lapu-Lapu City Police habang guma­gawa ng sex video dakong alas-5:00 ng hapon sa tabing dagat ng  Supla Island sa Cebu.

Napag-alaman na ang mga suspek ay inatasang mag­multa ng tig-P12,000 bawat isa at mahaharap sa 12 taong pagkabilanggo dahil sa  kasong immoral doc­trines, obscene publication, exhibition at indecent show. Joy Cantos

Show comments