^

Probinsiya

Pulis hinoldap, tinodas sa van

- Eva Visperas, Marvin Sy -

SAN CARLOS CITY, Pangasinan  — Pinanini­wa­laang hinoldap muna bago pinaslang ang isang pulis sa loob ng kanyang van na nakaparada sa ka­ha­baan ng McArthur High­way sa Barangay Legazpi, San Manuel, Tarlac kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Johnny Bacbac, city police chief, ang biktima na si SPO3 Gerardo Macaraeg, 49, ng Barangay Ilang at nakatalaga sa war­ rant section ng San Carlos City PNP.

Napag-alamang si Ma­ca­raeg na may negosyong buy-and-sell ng mga sasak­yan ay lulan ng kanyang puting Starex van (WFW-693) patungo sa Metro Ma­nila para bumili ng pani­bagong van.

Base sa text message ng biktima sa kanyang kaanak, kasama ang tatlong kala­laki­han mula Dagupan City para samahan siya sa pag­bili ng sasakyan sa Maynila.

Subalit, si Macaraeg ay natagpuang patay sa loob ng kanyang van bandang alas-8:30 ng umaga ma­tapos na mamataan ng ilang resi­den­te ang nasabing sa­sakyan na kaniha-hinalang nakapa­rada sa nasabing lugar.

Ayon sa mga tauhan ng Scene of the Crime Opera­tives, ang biktima ay nag­tamo ng tama ng bala ng baril sa taynga at kanang dibdib. Narekober sa loob ng van ang clutch bag ng biktima na nawawala ang P.5 milyon na pinaniniwa­laang pambili ng sasakyan at nagkalat na kopya ng warrant of arrest.

Isa sa kasamang lalaki ng biktima ay kilala na ng pulisya base na rin sa text message na ipinadala sa kanyang kaanak at kasalu­kuyang tinutugis para ma­pagbigay linaw sa krimen.

Ayon kay Bacbac, posib­leng may kinalaman sa krimen ang tatlong kalalaki­han na kasama ng biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY ILANG

BARANGAY LEGAZPI

GERARDO MACARAEG

JOHNNY BACBAC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with