Iligal rekruter kalaboso

OLONGAPO CITY – Kalaboso ang binagsakan ng isang 72-anyos na pinaniniwalaang iligal rekruter matapos na masa­kote ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang entrapment operation sa Magsaysay Drive, Olongapo City kama­kalawa. Sa ulat ni P/Senior Supt. Angelito Pacia Jr., ang suspek na si Denzil Isaac Casto, alyas James Michael Dean ng 103 Camel View Circle, Phoenix, Arizona, USA, makaraang maaktuhan ng pulisya na inaabot ang mark money mula sa mag-asawang sina Jimmy at Felicidad Canlas kapalit ng trabaho sa ibang bansa. Napag-alamang aabot na sa P.5-milyon ang nakoko­lekta ng suspek mula sa ilang biktima na karamihan ay nagmula sa Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija at Olongapo. Nasamsam sa suspek ang isang pekeng CIA identification card at dalawang US passport nito na isa ay peke na may pangalang James Michael Dean. Jeff Tombado

Show comments