^

Probinsiya

Ari ni mister nilabaha ni misis

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY    Nag­mamakaawa sa mga doctor ang isang mister na maibalik ang kanyang titi na pinutol ng sariling misis sa pamama­gitan ng matalim na labaha habang ito ay natutulog sa kanilang bahay sa Sitio Ma­paco, Barangay Palanas sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang itinago sa pangalang Aladin, 21, samantala, ang misis na itinago sa pangalang Cristine, 32, ay hindi nabatid kung sumuko sa pulisya o nagta­tago.

Ayon sa ulat, ang insi­dente ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi habang ang biktima na lango sa alak ay natutulog sa loob ng kanilang bahay matapos ma­kipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Napag-alamang bago naganap ang insidente, na­kasagap ng tsismis ang misis kaugnay sa ginagawa ng kan­­yang mister na may ibang babaeng kinakasama.

Kinompronta ni misis ang sariling asawa matapos itong umuwi na senglot, subalit iti­nanggi nito ang nasagap na malisyosong balita sa kani­lang barangay.

Dahil sa kalasingan ay nakatulog sa sala ng kani­lang bahay kaya sa galit ni misis ay kumuha ng mata­lim na labaha at sinamantala ang kahimbingan ng kan­yang mister saka nilabaha ang tulog ding titi ng lalaki.

Matapos ang ginawang pamumutol ni misis ay nag­tungo pa ito sa bahay ng kan­yang biyenan at ipinagbigay-alam sa biyenan na pinutol nito ang titi ng kanyang anak.

Kaagad namang nag­tungo ang ama sa tahahan ng mag-asawa at isinugod ang mister sa naturang pa­gamutan kung saan ibinalot sa lampin ang pinutol na duguang titi.

Ang mag-asawa ay may dalawang anak na kapwa babae na menor-de-edad.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kauku­lang kaso laban sa misis ng biktima.

vuukle comment

ALADIN

ALBAY

BARANGAY PALANAS

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

MISIS

SHY

SITIO MA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with