^

Probinsiya

Pabuya vs killer ng coed

-

BULACAN — Nag-alok ng malaking halaga kahapon ang alkalde ng Bocaue para sa sinumang makapag­bi­bigay ng impormasyon  ka­ugnay sa tatlong kalalakihan na pumatay sa isang kole­hiyala noong nakaraang linggo sa bahagi ng Baran­gay Biñang ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Mayor Jonjon Villanueva, sinuman ang makapagtuturo sa tatlong suspek na pumatay kay Apple Ortega, 18, isang computer Engineering student mula sa Bulacan State University ay may malaking ha­laga na pabuya.

“Hindi dapat gumagala ang mga ganyang klase ng mga criminal ang dapat sa kanila ay mabulok sa bilang­guan, kaya’t ako ay naka­han­dang maglaan ng mala­king pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impor­masyon o makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga res­ponsable sa pagpaslang kay Apple,” pahayag ng alkalde.

Pauwi na mula sa BSU ang biktima noong Miyer­kules ng gabi nang harangin at pag­sasaksakin ng tatlong kala­lakihan na pinaniniwa­laang lango sa droga na sa­kay sa motor­siklo ang biktima.

Ilang saksi naman ang nakakita sa biktima at agad na isinugod sa Dr. Yangas Hospital, subalit binawian siya ng buhay bago maka­rating doon.

Ipinagtaka naman ng mga imbestigador kung bakit celfone lang ang tinangay at iniwan ang bag at bracelet ng biktima matapos ang pama­maslang. (Dino Balabo)

APPLE ORTEGA

AYON

BARAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

DINO BALABO

DR. YANGAS HOSPITAL

MAYOR JONJON VILLANUEVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with