Pulis, 2 pa timbog sa robbery

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlo-katao kabilang na ang isang pulis ang ina­resto ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group makaraang ireklamo ng isang negosyante sa ka­song robbery sa Calamba City, Laguna noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. James Brillantes, hepe ng RSOG-Region 4A, ang mga suspek na sina PO3 Hector Barugal, na­katalaga sa Regional Headquarters Service Support Group; Mel­chor Hernandez at si Jerry Superada.

Nagbunsod ang pag-aresto sa tatlo nang ireklamo ng negosyanteng si Ma­­rilyn Espinosa na nag­nakaw ng kan­yang computer video game machine sa kanyang shop sa Barangay Real ban­dang alas-12:30 ng madaling-araw.

Naaktuhan na­man ang mga suspek na bitbit pa ang computer machine ni Espinosa, isang 9mm Berreta pistol, Honda Civic (TUZ-332) at isang Tamaraw FX  na may plakang PYZ-623.

“Marami na ka­ming natatanggap na rek­lamo sa modus ope­randi ng mga sus­pek na ang target ay mga computer shop at yung mga estud­yante na may hawak na portable na play station,” pah­ayag ni Bril­lantes. Arnel Ozaeta/Ed Amo­roso

Show comments