Fariñas lusot sa murder

Pinawalang-sala ng  Department of Justice si Laoag City Mayor Michael Fariñas sa kasong pagpatay sa kanyang Bise-Alkalde na si Jimmy Chua.

Base sa 7 pahinang reso­lusyon ni Justice Secretary Raul Gonzalez, dinismis nito ang petition for review na inihain ng National Bureau of Investigation na humihiling na  mabaligtad ang naunang rekomendasyon ng piskalya sa kaso. Sa naturang reko­mendasyon ay binalewala ng piskalya ang pagka­kadawit  ni Fariñas sa krimen batay sa salaysay ng testi­gong si Melvin dela Cuesta.

Sinabi ni Gonzalez, wala siyang nakikitang matibay na basehan upang baligtarin ang naunang findings sa kaso. Iginiit ni Gon­zalez na ang pabagu-bagong salay­say ni dela Cuesta ang nag­pahina sa akusasyon na si Fariñas nga ang bumaril kay Chua noong Pebrero 1, 2005 sa isang res­taurant sa Laoag City. Gemma Amargo- Garcia

Show comments