Tiktik ng militar nilikida
LEGAZPI CITY — Niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya sa isa na namang paghahasik ng karahasan ng makakaliwang kilusan sa Barangay Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jose Pena na sinalubong ng mga ’di-kilalang kalalakihan habang papauwi mula sa pagbisita sa kanyang kaibigang magsasaka. Ayon sa ulat ng pulisya, inakusahan na nakikipag-ugnayan sa tropa ng pamahalaan at inakalang nagbibigay ng impormasyon sa mga ikinikilos ng NPA kaya pinatahimik ang biktima. (Ed Casulla)
Naghagis ng
NUEVA ECIJA — Sumuko na noong Huwebes kay Nueva Ecija Gov. Aurelio M. Umali, ang itinuturong suspek sa paghagis ng
Lolo inasunto ng rape
NUEVA ECIJA — Ipinagharap ng kasong rape ang isang74-anyos na lolo ng isang menor-de-edad na babae sa naganap na krimen noong Sabado ng Mayo 12 sa bakuran ng paaralan sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija. Dinidinig ang kasong isinampa ng biktimang grade 6 ng Barangay San Juan South laban sa suspek na si Orlando “Mang Lando” Reyes sa opisina ni Prosecutor Edwin Bonifacio ng Provincial Prosecutor’s Office. Posibleng may lumutang pang ibang biktima na pinaniniwalaang inalok ng halaga ng suspek para maisagawa ang maitim na balak. (Christian Ryan Sta. Ana )
- Latest
- Trending