CAMARINES NORTE — Nalambat ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa holdapan sa Barangay Bagong Silang Uno sa bayan ng Jose Panganiban makaraang ang mahabang habulan matapos na magsagawa ng checkpoint ang mga awtoridad sa bayan ng Sta Elena kamakalawa ng umaga. Mabilis na inaresto sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Nelson Recerra, hepe ng pulisya sa Sta. Elena. ang suspek na kinilalang si Leonardo Capin 54-anyos may asawa tubong Brgy. San Jose, San Fernando, Camarines Sur. Francis Elevado