2 nawawala sa lumubog na bangkang pangisda

Dalawang katao ang naiulat na nawawala matapos na lumubog ang isang fishing boat sa Agutaya, Palawan.

Ang fishing boat na Timothy Monalinda 48 Dalton  ay may sakay na 24-katao na pawang mga mangingisda.

Ayon kay Lt. Terrence Alzosa ng Philippine Coast Guard, ang mga biktimang nawawala ay nakilalang sina Robert Caparo at Reynaldo Lagrio  kung saan lumubog umano ang sinasakyang fishing boat ng mga ito sa bisinidad ng Quinoloban, isla ng Agutaya.

Ang nasabing fishing boat ay pagmamay-ari naman ng RBL Fishing Corporation.

Ayon kay Alzosa,   ang naturang fishing boat ay naglala­yag kasama ng iba pang bangka  nang aksidenteng malag­lag ang isang fishing net  na naging sanhi  upang tumagilid at lumubog ang bangka. Grace dela Cruz

Show comments