Patay ninakawan
MALOLOS CITY — Pinaiimbestigahan ngayon ng panglalawigang pulisya ang misteryosong pagkawala ng mga alahas at iba pang gamit ni Barangay Caliliwigan, Malolos Chairman Alamario Cabigao, 62, na inatake sa puso at namatay habang nakatayo sa gilid ng MacArthur Highway sa bayan ng Balagtas noong Martes.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, may suot itong tatlong mamahaling singsing, isang kuwintas at pulseras na nagkakahalaga ng mahigit P100,000 bukod pa sa may P50,000 cash na nasa wallet nito. (Dino Balabo & Boy Cruz)
- Latest
- Trending