Oil spill cleanup completed; rehab on

CAMARINES NORTE – Makaraan ang ilang araw na pagkakaantala sa proklamasyon ng na­nalong gobernador sa Camarines Norte, pormal nang iprinoklama ng Comelec si incumbent Governor Jesus  “Atoy” Typoco Jr., kasama ang limang nanalong board member sa Tagalog spea­king town, kamakalawa ng umaga.

Napag-alaman, na dalawang beses nabitin ang proklamasyon ni Typoco dahil sa election protest ni gubernatorial bet Vice Governor Edgardo Tallado, na may nang­yaring dayaan sa mga bayan ng Jose Panga­niban, Paracale at sa Labo.

Hindi naman kinatigan ng  Comelec en banc, ang petisyon ni Tallado dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban kay Typoco, kaya nagdesis­yon sina Atty. Said Ali Maganduga, chairman ng Provincial Board of Canvassers at Elizabeth Palo, DepEd secretary ng PBOC na iproklama ang nasabing incumbent governor.

Kabilang din sa ipri­ noklama ang mga nana­long board members ng Tagalog speaking town na sina Teresita Malubay, Arthur Michael Canlas, Pamela Pardo, Elpidio Tenorio at si Jeoffrey Pandi.

Sa panayam kay Typoco, sinabi nito na matutuloy na ang housing project sa Barangay Mat-e-Vinzons para sa mga kawani  ng lokal na pama­halaan na hina­ rang ng kanyang kala­ban sa pulitika. Magi­ging katuwang sa pag­papaunlad ng Cama­rines Norte, ang bagong halal na si Vice Governor Roy Padilla Jr.  (Francis Elevado)

Show comments