Sanggol pinapak ng mga daga

SAN CARLOS CITY, Pangasinan — Pinagpiyestahan ng mga daga ang isang sanggol na itinapon sa malalim na kanal ng walang kaluluwang ina sa bahagi ng Rizal Ave­nue, San Carlos City, Pangasinan may ilang araw na ang nakalipas.

Sa ulat na pulisya, natagpuan ng isang kaminero ang sanggol na may walong buwang gulang na pinagkaka­guluhan ng mga malala­king daga sa isang kanal.

Napag-alamang na­antala ang daloy ng tubig sa nasabing kanal kaya sinikap ng kami­nero na alisin ang naka­barang bagay na pinag­pipiyestahan ng mga daga sa butas.

Nang usisain ng ka­minero ang pinag-a­agawan ng mga daga ay bumulaga sa kanya ang isang sanggol na malapit nang maagnas, base sa salaysay kay SPO4 Jose Resultan.

May teorya ang pu­ lisya na inabandona ng ina ang sanggol upang ’di sumingaw ang mapait na karanasan nito. (Myds Supnad)

Show comments