^

Probinsiya

Moving on

ALLEZ - Jose Vicente Araneta -

BUTUAN CITY –  Apat na kalalakihan na pina­nini­walaang pekeng DOTC traffic enforcers ang dinakma ng mga awtoridad na nag­ma­mando ng checkpoint sa ka­habaan ng national highway sa Sitio Tambis, Ba­rangay Agfa sa bayan ng Sibagat, Agu­san del Sur noong Martes ng hapon.

Ang mga suspek na dinala sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Sibagat, ay na­kila­ lang sina Joseph Mon­taos Tikim, 31, ng Barangay San Jose, Prosperidad; Jimbo Bucong Libres, 32, ng Ba­yugan, Agusan del Sur; Be­lindo Azuelo Anolingan, 33, ng Barangay Pili, Espe­ranza, Agusan del Sur; at si Roque Lloren Abao, 41, ng Baran­gay San Jose, Pros­peridad.

Ayon kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nañas, ang mga suspek ay dinakma ng mga tauhan ng DOTC Ca­raga regional office sa pamu­muno ni Engr. Romel D. Andig.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang apat na LTO iden­ti­fication cards at apat na uniporme ng DOTC/LTO.

Sinabi naman ng mga suspek na sila ay deputized civilian agents ng LTO at nag­kataon lamang na hindi nagkasundo sa hatian mula sa pangongotong sa mga motoristang negosyante.

Dahil sa nasabing isyu ay tumangging iharap sa mga ma­mahayag ang mga sus­pek na pinaniniwalaang may malalim na dahilan ang nasa likod.

Nabatid na karamihan sa mga tauhan ng DENR at ilang opisyal ng lokal na pa­ma­halaan na nakikipag­sab­watan sa ilang ahensiya ng gobyerno ay ginagamit ang check points sa pango­ngo­tong laban sa mga wood tra­ders. (Ben Serrano)

AGUSAN

ANTONIO DATOR NA

AZUELO ANOLINGAN

BARANGAY PILI

BARANGAY SAN JOSE

BEN SERRANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with