‛Brigada Eskwela kicks off in Sogod
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pormal na kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang walong tauhan ng Philippine National Police na isinasangkot sa pagsunog ng Pinagbayanan Elementary School na ginawang polling precinct sa bayan ng Taysan, Batangas noong Martes ng madaling-araw.
Ayon kay P/Senior Supt. Mark Edison Belarma, hepe ng CIDG-Region 4, sinampahan ng kasong Arson resulting to multiple homicide and multiple serious physical injuries sina Police Inspector Roberto Marinda, SPO2 Relos at anim na iba pa sa opisina ni Provincial Prosecutor Benito Lat sa Batangas Hall of Justice.
Sina Marinda at SPO2 Relos ay miyembro ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng Region 4-A sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt. James Brillantes.
Iniuugnay sina Marinda at Relos sa panununog ng nabanggit na school kung saan namatay sina Nellie Banaag, guro; poll watcher na si Leticia Ramos at Guillermo Malaluan.
Kasalukuyan pa ring nagpapagamot ang asawa ni Guillermo sa
- Latest
- Trending