Panaligan iprinoklama sa Mindoro

CAMP CRAME – Nalasog at napatay ang limang sibilyan habang 30 naman ang sugatan matapos na bumaligtad at magpagulung-gulong sa palayan ang sinasakyang dyip ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Agpatuan sa bayan ng Dumarao, Capiz kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga bik­timang nasawi ay sina Norberto delos Santos, Teresita Pilar, Regine Arlao, Lani Bardaga at Kenneth Bansale, habang ang iba naman sugatan ay naisugod sa iba’t ibang ospital.

Sinasabing lulan ang mga bikltima ng Ren-Ren na dyip mula sa Barangay Dacuton patungong Agpatuan para sa pagdiriwang ng Market Day nang nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Albert Domingo kaya naganap ang trahedya. (Edwin Balasa)

Show comments