^

Probinsiya

Ama dinedo ng anak dahil sa pulitika

-

CAMP CRAME —  Pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ama na tauhan ni re-electionist Mayor Edwin Crisologo ng sariling anak dahil lamang sa magkaibang paniniwala sa isyung pulitika sa Ban­ gued, Abra kamaka­lawa.

Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Car­lito Mariano, 60, ng Zone 3, Tineg ng nabanggit na bayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Elmer Mariano, driver ni mayoralty bet Lenin Ben­waren.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, kinumpronta ni Elmer ang ama hinggil sa isyu kung bakit minama­neho nito ang isang dump truck na pag-aari ng muni­sipalidad sa pagsunod ng mga pulis at ng election officers na may dalang ballot boxes mula sa Tineg noong May 16.

Agad namang nagka­roon nang mainitang pag­ta­talo ang mag-ama na na­uwi sa pamamaril ng anak sa kanyang sariling ama.

Matatandaang hang­gang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw kung sino kina Crisologo at Ben­waren ang naihalal na al­kal­de ng lalawigan kasunod ito ng pagkakaantala ng pagbibilang ng balota nang mabaril naman ang asawa ni Crisologo habang nagba­bantay ng bilangan sa isang eskwelahan sa natu­rang lalawigan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CAMP CRAME

CRISOLOGO

EDWIN BALASA

ELMER MARIANO

LENIN BEN

MAYOR EDWIN CRISOLOGO

SHY

TINEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with