^

Probinsiya

Peso to reach our 46 target sooner than expected

Philequity Corner - Ignacio B. Gimenez -

CAMARINES NORTE — Dalawang beses nabitin ang proklamasyon sa nanalong governor ng Camarines Norte makaraang maghain ng election protest ang natalong kandidato sa gubernatorial race sa nasabing lalawigan.

Si Incumbent Governor Jesus “Atoy” Typoco Jr. (La­kas-CMD/Kampi) ay nakaku­ha ng 80,830 boto, habang ang kalaban nitong si Vice Governor Edgardo Tallado (UNO) ay may 78,287 boto.

Maging ang limang na­nalong board member na sina Teresita Manubay, Michael Arthur Canlas, Elpidio Tenorio, Pamela Pardo at si Jeffrey Pandi ay nadamay sa iniha­ing election protest ni Tallado laban kay Typoco kaya hindi rin naproklama.

Samantala, nagawang pa­ta­ubin ni ex-BIR Commis­sioner Atty. Liwayway Vin­zons-Chato, ang kalaban sa con­gressional race na si In­cum­bent Rep. Renato Unico Jr.

Si Chato na naiproklama ng Comelec ay may 81,855 boto laban kay  Unico na naka­kuha ng 80,102 boto.

Maging ang nanalong bise gobernador na si  Roy Padilla Jr., ang nakatatandang utol ni action star Robin Padilla, ay proklamado na ng Comelec.

Kabilang sa mga alkalde na nanalo at handang ma­nung­kulan ay sina Engr. Sil­verio Quiñonez (Basud);  Ernesto Jalgalado (Capa­longa); Tito Sarte Sarion (Daet); Winifredo Oco (Labo); Pepito Lo (Mercedes); William Lim ng bayan ng Jose Panganiban;  Romeo Moreno (Paracale);  Dominador Men­doza (Sta. Elena); Edgar Ramores (San Lorenzo Ruiz); Stanley Alegre (San Vicente); Rodolfo Gache (Talisay); at si Oliver Ferrer (Vinzons). (Francis Elevado)

CAMARINES NORTE

COMELEC

DOMINADOR MEN

EDGAR RAMORES

ELPIDIO TENORIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with