^

Probinsiya

Misis ng mayor niratrat sa canvassing

-

CAMP CRAME —  Nasa malubhang kalagayan nga­yon ang asawa ni Tineg, Abra Mayor Edwin Crisologo maka­raang ratratin ng di-kilalang lalaki habang nag­mo-monitor sa canvassing sa isang eskwelahan sa Ben­gued, Abra kahapon ng tanghali.

Ayon kay P/Supt. Joseph Adnol, spokesperson ng Cordillera Region Police, kasa­lukuyang nasa intensive care unit (ICU) sa Abra Provincial Hospital, ang bikti­mang si Brenda Crisologo matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala ng baril.

Samantala, napatay na­man ang di-kilalang lalaki matapos na magtangkang makipagbarilan sa mga ru­mespondeng pulis. 

Naitala ang insidente da­kong alas-12:30 ng tanghali habang nagmo-monitor ng canvassing ang mag-asa­wang Crisologo sa ikaapat na palapag ng Holy Spirit School sa Bengued.

Ayon naman kay P/Supt. Raul Gonzales, hepe ng Cordillera Administrative Region (CAR), na maaring pulitika ang isa sa motibo ng nasa­bing pa­mamaril. Isa sa pina­ka­ma­higpit na kalaban ni Cri­sologo sa ma­yoralty race ay si Lenini Ben­waren. Edwin Balasa

ABRA MAYOR EDWIN CRISOLOGO

ABRA PROVINCIAL HOSPITAL

AYON

BRENDA CRISOLOGO

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CORDILLERA REGION POLICE

EDWIN BALASA

HOLY SPIRIT SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with