Misis ni Mark Jimenez ‘dinukot’

OLONGAPO CITY – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng mag-asawang trader makaraang tamba­ngan ng mga ’di-kilalang ka­lalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Baran­gay New Cabalan, Olongapo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng  pulisya ang mag-asawang nasawi na sina Fernando Timbang, 50, isang AFP reservist na may ranggong 1st Lieutenant; at ang asawang si Luzette, pangulo ng Subic Bay Multi-purpose Cooperative at bise presidente rin ng Subic Bay Montessori School.

Napag-alamang nakasakay sa kotse ang mag-asawa nang big­lang bundulin ng kulay pulang Pajero ang gawing likuran nito. Agad naman huminto ang kotse ng mag-asawa upang mag-usisa subalit biglang nag-overtake ang Pajero at pinaputukan ang sasakyan ng mga bik­tima. Ilan sa mga nakasaksi ang nagpahayag na may dalawa pang kala­lakihang sakay ng motor­­siklo ang du­mikit sa sasakyan ng mag-asawa saka nagpa­putok din ng baril. Kinarit ni kamatayan ang mag-asa­wang Timbang habang gina­gamot sa James Gordon Memorial Hospital. (Jeff Tombado at Alex Galang)

Show comments