Omni Aviation nagpasaklolo
CLARKFIELD, Pampanga – Hiniling kahapon ng pamunuan ng Omni Aviation Corporation ang tulong ng Malacañang, Air Transportation Office (ATO) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mamagitan sa panggigipit umano ng Clark Development Corp. at Clark International Airport Corp. Sa panayam kay Capt. Ben Hur Gomez, pangulo at chairman ng Omni, na dismayado sila sa trato ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno dahil hindi iginalang ang napagkasunduang 25-year lease contract. Ang Omni ay pangunahing flight training school sa bansa na may pinakamaraming eroplano (8). Maliban sa foreign students ay saklaw nito ang Phil. Airlines Aviation Schools at ang Phil. State College of Aeronautics Flight School.