^

Probinsiya

Patayan sa Nueva Ecija lumalala

- Edwin Balasa, Christian Ryan Sta Ana -
NUEVA ECIJA — Naging inutil ang pamunuan ng pulisya at Commission on Elections (Comelec) na mapigilan ang lumalalang karahasan sa Nueva Ecija ma karaang mapatay ang isang konsehal at bodyguard ng isang mayoralty bet sa magkahiwalay na lugar ng nasabing lalawigan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Nestor Macabio, 44, drayber/ bodyguard ni Quezon mayoralty bet Dennis Alejandro, residente ng Barangay Pulong Bahay, Quezon, Nueva Ecija; at Gapan City Councilor Alexander Mempin, 45, ng Barangay Malapit, San Isidro at political leader ni Gapan Mayor at re-elec tionist Sonia Lorenzo.

Sa ulat na tinanggap ni P/Sr. Supt. Nicanor Caballes, OIC police director ng Nueva Ecija, na nagpiprito ng tilapia si Macadio sa bahay ng kanyang amo na si Alejandro sa Hermoso Farm sa Barangay Dulong Bayan nang ratratin ng ’di-kilalang lalaki.

Agad namang rumesponde ang mga alalay ni Alejandro na sina PO1 Rolando Pineda, PO1 Edgar Vicente at si PO1 Noel Sumang, subalit biglang nawala sa dilim ang killer.

Samantalang si Konsehal Mempin na bumili ng pizza sa Buns and Pizza Store ay nilapitan at niratrat habang pasakay ng kanyang motorsiklo (IS-5992) may 500 metro lamang ang layo sa presinto ng pulisya.

Ang dalawang karahasan ay naganap matapos isailalim sa Comelec control ang nasabing lalawigan dahil sa naganap na sagupaan ng grupo nina Jaen mayoralty bet Antonio Esquivel at Nueva Ecija re-electionist Rep. Rodolfo Antonino na ikinasawi ng 2 sa kampo ni Esquivel at malubha naman ang 10 iba pa.

ALEJANDRO

ANTONIO ESQUIVEL

BARANGAY DULONG BAYAN

BARANGAY MALAPIT

BARANGAY PULONG BAHAY

BUNS AND PIZZA STORE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with