Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang pagsabog ay sanhi ng improvised explosive device na iniwan ng di-kilalang lalaki, pahayag ni Mayor Lino Montilla.
Ayon pa sa ulat, karamihang biktima ay nakahandusay sa kalsada matapos ang matinding pagsabog.
Ang naganap na pagsabog ay ilang araw matapos madiskubre ng pulisya, ang bomba na inilagay malapit sa police outpost sa nasabing lungsod noong Linggo
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Edris Sabal sa tangkang pagpapasabog.
Napag-alamang din na tinangkang pasabugin ang isang tindahan ng durian sa bayan ng Banga, South Cotabato noong Biyernes.
Umugma ang insidente may dalawang linggo na ang nakalipas matapos magpalabas ng travel warning ang US Embassy sa Maynila tungkol sa nakaambang paghahasik ng lagim ng mga terorista sa Mindanao.
Binalaan din ng US Embassy ang kanilang kalahi na iwasang tumungo sa mataong lugar partikular na ang pamilihang bayan sa Mindanao dahil sa natanggap na impormasyong aatake ang mga terorista.