Libing niratrat: 2 todas

CAMP CRAME — Dalawa-katao ang iniulat na napatay habang nasa kritikal namang kalagayan ang dalawa pa makaraang pagbabarilin ng mga ’di-kilalang kalalakihang sakay ng motorsiklo ang convoy ng libing sa kahabaan ng highway sa Barangay Aggay sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo Del Castillo, 39, barangay kagawad; at Roberto Pe Benito, 38, habang nasa kritikal na kalagayan sa ospital sina Salvador Pira, 65, barangay kagawad; at Emily Pe Benito.

Nabatid na inihahatid sa huling hantungan ng mga biktima ang kanilang kamag-anak na si Maximo Del Castillo nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong sakay ang dalawang armadong kalalakihan bago nagsimulang mamaril. Agad na nasawi si Benito habang namatay ilang minuto sa Metro Vigan Cooperative Hospital si Del Castillo. (Edwin Balasa)

Show comments