John Estrada tiklo sa bomb joke
May 8, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Pansamantalang pinigil sa holding area ng paliparan ng General Santos City, ang actor na si John Estrada matapos itong arestuhin dahil sa pagbibirong may dala siyang bomba sa bagahe kahapon ng umaga.
Dahil sa masamang biro na ginawa ni Estrada ay agad itong pinigil ng mga awtoridad bago isa-isang rekisahin ang mga dala-dala nitong bagahe para masiguro na walang anumang bomba na nakatago.
Sa pahayag ni P/Chief Supt. Atillano Morada, director ng PNP Aviation Security Group, na papauwi na ang aktor sa Maynila mula sa campaign sortie ni ring icon at congressional bet Manny "Pacman" Paquiao sa General Santos City nang magbiro ito na mayroon siyang dalang bomba na nakalagay sa mga bagahe.
Dahil dito, agad siyang dinampot ng mga airport security police at agad dinala sa holding area kung saan dito siya kinausap ni Morada.
Ang bomb joke ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng paliparan at may mga babalang nakapaskil sa loob at labas nito.
Ilang beses na ring may nangyaring ganitong insidente sa mga paliparan partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan pinipigil ang mga nagbibiro na may bomba silang dala sa bagahe.
Pinakawalan din si Estrada ng mga aviation security police matapos na mainspeksyon ang mga bagahe nito at manghingi nang paumanhin sa kanyang ginawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest