P.3M pabuya sa killer ni Mayor Resuello
May 2, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Magbibigay ng P.3 milyong pabuya ang pamunuan ng pulisya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa mga pumatay kay San Carlos City Mayor Julian Resuello at isa pa nitong aide noong Sabado ng gabi sa ginanap na coronation night sa open air auditorium ng nabanggit na lungsod.
Ang pahayag ay inilabas kahapon ng Police Regional Command sa Northern Luzon, isang araw matapos pumanaw si Mayor Resuello sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City kung saan ito dinala mula sa San Carlos City matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa tiyan.
Nagpalabas na rin ng carthographic sketch ang pulisya batay sa pagsasalarawan ng mga saksi ng maganap ang pamamaril.
Naihatid na ang mga labi ni Mayor Resuello sa San Carlos City dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon at isang misa ang ginawa sa kanilang tahanan.
Samantala, iniimbestigahan na ang pamilya Soriano, na kalabang mahigpit ng pamilya Resuello sa pulitika sa nasabing bayan ay agad naman itong itinanggi ng dating San Carlos Mayor Douglas Soriano na walang kinalaman ang kanyang pamilya sa naganap na pamamaslang sa nasabing alkalde. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Victor Martin | 15 hours ago
By Omar Padilla | 15 hours ago
Recommended