Ambush: Aide todas, mayor grabe
April 30, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang incumbent mayor na mayoralty bet at lima pang iba habang natodas naman ang isang escort ng una sa naganap na pamamaril ng dalawang di-kilalang lalaki sa bakuran ng city auditorium sa pagdiriwang ng kapistahan sa San Carlos City, Pangasinan noong Sabado ng gabi.
Dalawang tama ng bala sa tiyan ang tinamo ng biktimang si San Carlos City Mayor Julian Resuello, 54, na tumatakbong vice mayoralty bet sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democtrats-Biskeg na Pangasinan.
Si Mayor Resuello ay dinala sa Blessed Doctors Family Hospital (Bernal Hospital) sa Barangay Ilang bago inilipad sa Maynila dahil sa maselang kalagayang tinamo.
Nakilala naman ang nasawing aide na si Eulogio Martirez, 41, na unang napuruhan ng ilang bala ng baril kung saan niyapus nito si Mayor Resuello kaya kapwa sila natumba.
Kabilang din sa mga sugatan ay sina SPO1 Jamie Almoite ng San Carlos PNP; Jonathan dela Cruz, 34; Alwin Fermin, 29; Paulo Bino, 14; Reyna Munoz, Domingo Mamaril, 52; at Antonio Soriano, 38.
Ayon kay P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, hepe ng Police Regional Office (PRO) ng Ilocos, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa open air auditorium kung saan ginanap ang coronation ng Miss San Carlos City 2007 sa pagdiriwang ng piyesta.
Nabatid na panauhing pandangal si Resuello sa nasabing kasiyahan at napag-alamang habang nakikipagkamay si Mayor Resuello sa mga tao ay lumapit ang dalawang ’di-kilalang lalaki at nagsimulang mamaril kaya nagpulasan ang mga tao
Matapos ang kaguluhan ay nakabulagta ang mga biktimang sugatan kabilang si Resuello at kanyang mga aide kaya agad isinugod ang mga ito sa pagamutan subalit nasawi din si Martinez.
Nabatid na si Mayor Resuello ay makakaharap sa vice mayoralty bet si Harry Cagampan habang ang kanyang anak na si Vice Mayor Julier Resuello na tatakbong mayoralty bet ay tatapatan si dating Mayor Douglas Soriano.
Kinondena ni Lakas-CMD president Jose de Venecia Jr. at Biskeg na Pangasinan chairman president Antonio Villar Jr. ang insidente. (Edwin Balasa at Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Victor Martin | 15 hours ago
By Omar Padilla | 15 hours ago
Recommended