Inakusahan ng isang tumatakbong konsehal sa Sto. Domingo, Albay ang Philippine National Police officer-in-charge dito na si Sr. Police Inspector Rolando Esguerra ng umano’y pang-haharass at partisan politics. Ayon sa sinumpaang salaysay ni Jose Tristan Balin II, hinarang ng ilang mga pulis kasama si Esguerra habang binabaybay nito ang Police Outpost/Comelec Checkpoint sa nasabing bayan at kung anu-anong inspeksiyon ang ginawa sa motorsiklo niyang minamaneho samantalang wala naman itong nagawang paglabag. Kumpleto anya ang papeles at kilala siyang kumakandidato. Sinasabi ng ilang supporters ng kalaban ng incumbent mayor dito na kapag umuuwi sila sa gabi ay may mga sumusunod sa kanilang mga naka-bonnet na mga tao na hinihinalang mga pulis upang matakot sila sa pagdalo sa mga meeting ng isang tumatakbong alkalde ng bayan.
Voters list minamanipula? |
SAN FRANCISCO, QUEZON – Tinatangka umanong manipulahin ng registrar ng Commission on Elections ng bayang ito na si Corazon Lopez at ng kanyang asawang kumakandidatong alkalde na si Ramon Lopez at dalawa pang tumatakbong kagawad ang mga voters list. Sa harap ng mga mamamahayag, ipinakita ni reelectionist Mayor Hernani Tan ang video clipping na nagpapakita sa naturang registrar habang nasa harap ng isang computer sa opisina nito katabi ang asawa nito habang nasa loob ng opisina ng Comelec kamakalawa ng gabi. Kasama ng dalawa sina Loli dela Rosa at Batuloy Rebot na mga kandidatong kagawad. Pinuna ni Tan na hanggang kahapon ay hindi pa naipapatupad ang utos ng Comelec na ilipat ng ibang tanggapan ang naturang registrar.
(Tony Sandoval) Motor sumalpok, TV exec sugatan |
DAET, CAMARINES NORTE  Malubhang nasugatan ang isang empleyado ng ABS CBN at kanyang asawa nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa likurang bahagi ng garbage truck na nakaparada sa kalagitnaan ng Lag-On sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi. Mabilis na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mag asawang sina Engr. Benigno Elevado, 41, account manager ng ABS CBN na nakabase sa Camarines Norte at kapatid ng PSN correspondent at asawa nitong si Dra. Janine Elevado, 33, kapwa residente ng Happy Homes Subd., Brgy Lag-on.
(Francis Elevado)