P1.5M para wasakin ang kandidatura ni Pagdanganan
April 27, 2007 | 12:00am
BULACAN – Pamumulitika lamang at pinabulaanan ni dating Calumpit Mayor Ramon Pagdanganan ang mga akusasyon na siya ang utak ng pamamaslang kay Dr. Brigido Norman Josue.
Sa pahayag ni Pagdanganan, lumang isyu na ang ibinabato sa kanya upang wasakin ang kanyang reputasyon dahil ang mga kalaban nito sa pulitika ay hindi na makapagpalabas ng ibang isyu para maisulong ang kanilang kandidatura.
Hinamon din ni Pagdanganan ang kanyang mga kalaban sa pulitika na magsampa ng kaso laban sa kanya na sa halip na gamitin ang mga akusasyon upang sirain ang kanyang pangalan at kandidatura.
"Isa itong malinaw na palatandaan na desperado na sila kaya’t idinadawit ako at ang aking Kuya (Roberto Pagdanganan na tumatakbong gobernador) sa mga krimeng nangyari sa Calumpit sa panahon ng kanilang panunungkulan," dagdag pa ng dating alkalde.
Base sa record, lumutang ang dating pulis na si Leo vardo Piadozo sa Department of Justice noong Lunes at nagpahayag na si Pagdanganan ang utak sa kaso ng pagpatay kay Dr. Josue noong Mayo 14, 2006.
Kasabay nito, itinanggi naman ni Pagdanganan na bodyguard niya si Piadozo na inaanak ng kanyang utol na si Roberto M. Pagdanganan na kandidato sa pagka-gobernador ng Bulacan.
Ayon kay Pagdanganan, na ang tanging layunin ng mga black propaganda laban sa kanilang magkapatid ay sirain ang kanilang kredibilidad at kandidatura.
Ani pa ni Pagdanganan, nakahanda silang humarap sa anumang kaso at naghahanda rin sila upang sampahan ng kaso si Piadozo at ang mga taong nasa likod nito. Ayon naman kay Atty. Joey Cruz na abugado ni Pagdanganan, umamin sa kanya si Piadozo na may magbibigay ng malaking halaga sa kanya kapalit ng testimonya laban kay Pagdanganan.
Umaabot sa P1.5-milyon ang ginamit ng mga taong nasa likod ni Piadozo upang makumbinse itong tumestigo laban sa dating alkalde. (Dino Balabo at Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest