Abu leader inatake sa puso, patay
April 23, 2007 | 12:00am
Namatay bago pa man maisugod sa pagamutan ang isang lider ng Abu Sayyaf na nasakote sa isang palengke sa Tawi-Tawi makaraang atakihin ito sa puso, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Ustadz Sandico Sudae, kilalang lider ng Abu Sayyaf na responsable sa 2000 Sipadan hostage taking matapos na umangal ng pananakit ng dibdib.
Ang kompirmasyon ay iniulat ng Naval Forces Western Mindanao kahapon matapos mamatay ang suspek habang isinusugod sa isang military hospital noong Biyernes.
Napag-alaman pa na tinangkang tumakas ni Sudae nang tumalon ito sa isang Navy boat na siyang maghahatid sa kanya sa Zamboanga City mula sa Tawi-Tawi.
Nahuli din si Sudae nang araw ding iyon subalit inireklamo nito ang pananakit ng dibdib ilang minuto ng matapos itong dalhin sa Navy Headquarters. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest