Kandidatong Bise lusot sa ambush
April 23, 2007 | 12:00am
Nakaligtas sa kamatayan ang isang kandidatong vice mayor sa San Pablo, Laguna at ang drayber nito makaraang tambangan at pagbabarilin ang kanilang sinasakyan kahapon ng madaling- araw sa nasabing bayan.
Ayon kay Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., Provincial Director ng Laguna police, sinuwerteng wala man lang tumamang bala sa mga biktimang sina Edgardo Adajar, dating konsehal na kumakandidato ngayong vice mayor sa San Pablo; at drayber nitong si Ricson Deomano, 27, makaraang tambangan ng dalawang armadong suspek na sakay ng motorsiklo.
Sa ulat ni Rojas, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay II-E San Antonio ng nasabing bayan lulan ng Isuzu Crosswind na may plakang XAC-401.
Pagsapit sa kanto ng M. Leonor St. at Maharlika Hi way ay bigla na lang sumulpot ang motorsiklo sakay ng mga armadong suspek at pinagbabaril ang nasabing sasakyan. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyong bala ng kalibre .45 baril at mga deformed slugs nito. (Edwin Balasa at may ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest