^

Probinsiya

Bata nabawi sa kidnaper

-
MALOLOS CITY, Bulacan — Matapos ang 20-araw na pagkawala ng isang taong gulang na lalaki na iniulat na kinidnap sa bayan ng Plaridel, nabawi rin ito ng pulisya mula sa nag-iisang kidnaper sa bahagi ng Barangay Banga 1st sa nabanggit na bayan kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Felix Arthur Asis, unang napaulat na kinidnap ang biktimang residente ng Barangay Ligas, Malolos City na si Reign David Javier.

Sa pahayag ng ina na si Corazon David, na nilapitan siya ng nag-iisang babae sa loob ng WalterMart sa bayan ng Plaridel at inalok siya na gagawing model ng gatas ang kanyang anak.

Pagtingin umano ng ina ng bata sa suspek ay parang nahipnotismo ito kayat nang utusan siyang kunin sa bahay nila ang birth certificate ng bata ay sumunod siya.

Subalit ilang sandali lamang ay natauhan ang ina at nang hanapin nito ang anak ay wala na kaya agad na ipinagbigay-alam sa pulisya.

Noong Biyernes, isang concern citizen ang nakakita sa bata habang akay-akay ng suspek sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sa nabanggit na barangay

Kaya agad naman nakipag-ugnayan si Corazon sa Department of Social Welfare and Development at pulisya hanggang sa mabawi ang bata habang arestado naman ang suspek na si Svetlana Magat y Sevilla, 32, alyas Janet Javier. (Dino Balabo at Boy Cruz)

vuukle comment

BARANGAY BANGA

BARANGAY LIGAS

BOY CRUZ

CAGAYAN VALLEY ROAD

CORAZON DAVID

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINO BALABO

FELIX ARTHUR ASIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with