14 bayan sa Abra nasa ‘hot spot’
April 16, 2007 | 12:00am
BANGUED  Sinabi kahapon ni Abra Police Director Sr/Supt. Alexander Pumecha na, 14 na bayan ng lalawigang ito ang kanilang minamatyagang mabuti o itinuturing na hot spots dahil sa lumalalang labanan ng politika dito kaugnay ng nalalapit na halalan.
Nasa ilalim ngayon ng kontrol ng Commission on Elections ang Abra at suspendido ang kapangyarihan ng mga lokal na opisyal sa pulisya para hindi nila maimpluwensyahan ito. Ilang pulis din ang napapaulat na nagsisilbing bodyguard o goons ng ilang pulitiko.
Kamakailan lamang, nabaril at napatay ang isang anak ng kapitan ng barangay sa La Paz ng mismong hepe ng pulis doon matapos magwala daw ang biktima. Tiniyak naman ni Col. Pumecha na kayang kaya nilang pangalagaan ang peace and order sa Abra basta makipagtulungan lamang ang mga tao sa kanila. (Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Victor Martin | 11 hours ago
By Omar Padilla | 11 hours ago
Recommended