Torso ng babae natagpuan sa Cavite
April 11, 2007 | 12:00am
CAVITE  Isang torso ng babae na ikinahon ang natagpuan ng isang food attendant sa bahagi ng Barangay Madran, General Mariano Alvares, Cavite kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Fidel Posadas, Cavite provincial director, posibleng bahagi ng torso, ang tsinap-chop na ulo at hita ng babae na natagpuan ng magka-live-in sa basurahang malapit sa ANC Cinema sa Biñan, Laguna may ilang araw na ang nakalipas. Ayon kay PO1 Ronald Manaig, nadiskubre ni Julie Ann Richa, ang torso ng di-kilalang babae dakong alas-8:30 ng umaga kung saan inakala niyang bomba dahil nasa loob ng malaking kahon. Subalit nang buksan ni SPO2 Leonardo Anama ay lumantad ang torso sa kahon. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest