Mister sinunog sa drum
April 5, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nasusunog sa loob ng drum sa bahagi ng Sta Rosa City, Laguna noong Martes ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Raymundo Oliquin, hepe ng Sta Rosa City PNP, ang biktimang si Edgar Bohol, 39, ng Block 21 Lot 14 Phase 4, Capitol Hills, Trece Martires City, Cavite at dating kawani ng Magnolia.
Sa inisyal na imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima noong Miyerkules ng Marso 21 kung saan nagpaalam ito na aalis mula sa kanilang bahay, subalit hindi na nakabalik pa.
Hanggang noong Abril 3, bandang alas-7 ng umaga nang mapansin ng mga residente ang isang drum na umuusok sa kanang bahagi ng kalsada sa direksyon ng Asia Brewery Slex toll plaza na sakop ng Barangay Malitlit.
Mabilis namang ipinagbigay-alam ang insidente ng security guard na si Vicente Inocencio ng Armadillo Protective Security Agency ng Greenfield property.
Kinilala ng mga kaanak ang biktima matapos hindi masunog ang mukha nito na pilit na itinatago ng mga responsable sa krimen.
Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang at ang mga nasa likod ng krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest