5 opisyal ng PNP sa Bicol sisibakin dahil sa jueteng
April 4, 2007 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Nakaambang sibakin sa puwesto ang limang opisyal ng pulisya makaraang mabigong mapatigil ang jueteng sa ilang bayan sa Camarines Sur.
Kabilang sa mga opisyal ng PNP na nakatakdang paalisin sa puwesto ay ang provincial director ng Camarines Sur na si P/Senior Supt. Romeo Mapalo, P/Chief Insp. Jerry Ladia, police chief ng Ragay; P/Senior Insp. Julian Orbita, police chief ng Nabua; P/Chief Insp. Cerilo Trilles Jr., hepe ng pulisya sa bayan ng Buhi; at ang police chief sa Tinambac na si P/Insp. Winnie Lasala.
Ayon kay P/Chief Supt, Ricardo Padilla, Bicol regional director, ang pagsibak sa mga nabanggit na opisyal ay base na rin sa ipinaiiral na direktiba ng pamunuan ng PNP tungkol sa pagpapatigil ng jueteng sa kanilang nasasakupan.
Napag-alamang patuloy ang operasyon ng jueteng sa mga nasabing bayan kaya nagsagawa ng serye ng pagsalakay ang mga tauhan ng CIDG na nagresulta sa pagkakadakip ng 26-katao at pagkakasamsam ng hindi nabatid na malaking halaga sa mga bulahan ng pasugalan.
Hinihintay na lamang na lumabas ang kautusan ni PNP Chief Director General Oscar Calderon at ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) base na rin sa rekomendasyon ni Camarines Sur Gov. Luis Raymund Villafuerte. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended