^

Probinsiya

Pari inutas habang nagmimisa

-
CAMP CRAME — Sa harapan mismo ng altar habang nagmimisa, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na Indonesian priest ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang karahasang naganap sa Brgy. Mabongtot, Lubuagan, Kalinga kamakalawa ng umaga.

Ang biktimang naisugod pa sa Lubuagan District Hospital, subalit idineklarang patay ay nakilalang si Father Francisco Madhu, assistant Parist Priest sa St. Peter at St. Paul church.

Samantala, naaresto naman ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang follow-up operation kahapon ng madaling-araw ang isa sa apat na suspek na nakilalang si Nestor Wailan na pinaniniwalaang kasapi ng isang private armed group ng isang kilalang politiko sa nasabing bayan.

Napag-alamang bago naganap ang pamamaslang ay kinompronta ng apat na kalalakihan ang biktima sa labas ng simbahan ng na banggit na bayan.

Ayon kay P/Chief Supt. Raul Gonzales ng Police Regional Office (PRO) ng Cordillera, hindi naman nabatid ng mga tagasiyasat ng pulisya ang tungkol sa pinagtalunan ng biktima at mga suspek. Napag-alamang pinagbabaril ang biktima sa harap mismo ng maraming tao at animo’y mga lango sa droga ang mga suspek habang papalayong tumakas sa crime scene. (Edwin Balasa at Artemio Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

CHIEF SUPT

EDWIN BALASA

FATHER FRANCISCO MADHU

LUBUAGAN DISTRICT HOSPITAL

NAPAG

NESTOR WAILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with