3 todas sa road mishap
March 30, 2007 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT  Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang L300 van sa poste ng kuryente sa Golf Course Road sa loob ng Subic Bay Freeport Zone kamakalawa.
Kabilang sa mga namatay na biktima ay sina Deosanne Cambe ng #67-B Binictican Drive, Subic Bay Freeport Zone; Rosalina Mariano delos Reyes, 72, ng Cabangan, Zambales; at si Irene Lazaro Ragadio, 30, ng San Marcelino, Zambales.
Nasa kritikal namang kalagayan ang drayber ng L300 van (XPD-615) na si Ludovico Herpacio, 48, ng Dinalupihan, Bataan.
Sa ulat na isinumite ni Col. Eric Palabrica, hepe ng Subic Bay Metropolitan Authority- Intelligence and Investigation Office (SBMA-IIO), kay SBMA Administrator Armand C. Arreza, naitala ang sa.kuna ganap na alas-2 ng hapon habang bumarbagtas sa nasabing highway ang van na pag-aari ng Winstar Transport Services Corp. na lulan ang mga biktima.
Malaki ang paniniwala ng mga imbestigador sa pangunguna ni Pyke Torres na nakaidlip ang dryber ng van mula sa Binictican housing area at tuluyang nawala sa direksyon hanggang sa sumalpok sa poste ng kuryente. (Alex Galang at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended