^

Probinsiya

Koreana binigti ng nobyo

-
CAVITE — Wala ng buhay ang isang Koreana nang isinugod sa Dela Salle Medical Center noong Miyerkules ng umaga matapos pahirapan at bigtihin ng nobyong Koreano sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ni PO2 Gregorio Cuevas, imbestigador ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) ang biktimang si Jung Hye Seon ng Unit 144 Tierra Verde Townhomes, Barangay Halang 2 ng nabanggit na bayan.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Choi Yoon Su na nakapatay sa kanyang nobya.

Ayon sa ulat, bandang alas-4 ng madaling-araw nang matagpuan ng driver na si Joey Ramirez, ang hubad na katawan ng Koreana habang nakahandusay sa loob ng bahay.

Sa salaysay ni Ramirez, na kapansin pansin aniya ang mga pasa at paso ng sigarilyo sa katawan ng biktima.

Nang mapansin ni Choi Yoon Su, si Ramirez, sinabihan nito na dadalhin niya ang biktima sa ospital dahil may sakit ito.

Nagtaka naman si Ramirez dahil hindi na siya pinagmaneho ng kanyang among Koreano hanggang sa makatanggap na lang ito ng tawag sa telepono mula sa pulisya bandang alas-11:30 para kilalanin ang bangkay ng isang Koreana na iniwan sa emergency area ng Dela Salle Hospital.

Ayon sa security guard ng ospital, dumating ang mag-live-in na Koreano sa ospital para ipagamot sana ang biktima, pero hindi na ito tinanggap dahil wala na itong buhay.

Nang malaman ng Koreano, tumanggi itong magpakilala at bigla na lang itong tumakas lulan ng Honda Accord na may plakang UFM-359.

AYON

BARANGAY HALANG

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

CHOI YOON SU

DELA SALLE HOSPITAL

KOREANA

KOREANO

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with