Kolumnista, 1 pa tiklo sa extortion
March 28, 2007 | 12:00am
PLARIDEL, Bulacan - Dalawang mamamahayag ng lokal na pahayagan ang iniulat na dinakma ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang maaktuhang nangingikil sa isang negosyante sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Lunes ng umaga. Pormal na kinasuhan ni Atty. Hector Gerologo, hepe ng NBI sa Bulacan, ang mga suspek na sina Alice Benitez, 46, ng Barangay Sapang Palay, San Jose Del Monte City at Hermogenes Perez ng Hagonoy, Bulacan. Ayon sa ulat, si Benitez na kolumnista ng pahayagang Latigo ay nagpanggap na human rights lawyer para kikilan ng malaking halaga ang dating overseas Filipino workers na si May Celso, subalit lingid sa dalawa ay nakipag-ugnayan sa NBI ang biktima. (Dino Balabo)
QUEZON, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang hinalay muna bago gilitan hanggang sa mamatay ang isang 17-anyos na kolehiyala ng isang adik sa droga sa Purok 6, Barangay Ilog Baliwag sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija kamakalawa. Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng kanyang amang si Teofilo sa sariling bahay ay nakilalang si Myra S. Sarmiento. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Alvin Balbag, 23. Ayon kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, Nueva Ecija police director, huling namataang buhay ng kanyang ama ang biktima na natutulog sa kanilang bahay bandang alas-6 ng umaga. Napag-alamang iniwan ni Mang Teofilo ang anak para magtungo sa palayan at ng bumalik ito ay namataang papalabas ng kanilang bahay ang suspek na may bitbit na itak at duguan. (Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest