^

Probinsiya

PDEA agent, isa pa tiklo sa buy-bust

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Bagsak-kalaboso ang isang anti-narcotics police at isa pa nitong kasabwat matapos na naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mulawin sa Tanza, Cavite noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Mark Edison Belarma, CIDG Region 4 director, ang mga suspek na sina PO1 Antonio delos Reyes ng Philippine Drug Enforcement Agency- National Capital Region (PDEA-NCR), at ang civilian na si Ofelia de Ocampo.

Ayon kay Belarma, arestado ang mga suspek habang nagbebenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer na nagkakahalaga ng P500 sa nabanggit na barangay bandang alas-9:30 ng umaga

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng methamphetamine hydrochloride (shabu) at iba pang drug paraphernalia

Kasalukuyang nakapiit sa CIDG-Cavite office sa bayan ng Imus ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2000. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

ARNELL OZAETA

BARANGAY MULAWIN

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTINA TIMBANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

MARK EDISON BELARMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with