^

Probinsiya

3 miyembro ng private army sa Cavite arestado

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng private armed group ang iniulat na naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang nagtatago sa kanilang hide-out sa magkahiwalay na operasyon noong Miyerkules sa bayan ng Magallanes, Cavite.

Kinilala ni Senior Supt. Mark Edison Belarma, CIDG-Calabarzon director, ang mga suspek na sina Sabeniano Glumal, Leodigario Vilan at Teodoro Climacosa.

Ayon kay Belarma, nilusob ng mga tauhan niya ang hide-out nina Glumal at Climacosa sa Barangay Urdaneta bandang alas-8 ng umaga at makarekober ng isang M16 Armalite rifle at limang magazines na puno ng bala.

Samantala, naaresto naman si Vilan sa kanyang bahay sa may Barangay San Agustin na halos magkasabay ng oras nang dakpin sina Climacosa at Glumal,

Nakumpiska naman kay Vilan ang isang 22-caliber pistol at granada.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay kabilang sa mga private army sa Cavite na binuo ng mga lokal na politiko.

Nakatakdang kasuhan ang tatlong suspek habang nakapiit sa CIDG office sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, Cavite. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN AGUSTIN

BARANGAY URDANETA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CLIMACOSA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTINA TIMBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with