Sanggol binuhay ng anghel
March 17, 2007 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nailigtas ng anghel dela guwardiya ang isang sanggol na babae sa tiyak na kamatayan matapos na igapos ay itinapon ng ’di-kilalang traysikel drayber sa bakanteng lote sa bahagi ng Barangay Mawaque sa bayan ng Mabalacat, Pampanga kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Senior Supt. Keith Singian, Pampanga provincial police director, natagpuan ang sanggol bandang alas-5 ng umaga matapos na makarinig ang ilang residente na may umiiyak mula sa damuhan ng nasabing lugar.
Agad naman tinungo ng mga alagad ng batas ang pinanggagalingan ng iyak at lumantad ang sanggol na nakabalot pa ng lam ping puti na nakagapos ang mga kamay at may mga galos sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Wala naman nakitang anumang sakit ang sanggol na babae maliban sa ilang sugat sa mukha.
Napag-alamang bago matagpuan ang sanggol ay isang traysikel ang pumasok sa nasabing lugar at itinapon ang bungkos ng puting lampin.
Di-naman sukat akalain ng ilang residente na sanggol na buhay pala ang nasa puting lampin at ngayon ay nasa pangangalaga ng isang opisyal ng pulis na si Grace Garcia na posibleng ampunin ang bata. (Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended