Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Henri Julien Deplanche, 83, French national; at Hanz Julius Herman, 63, German national.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, unang nalunod si Deplanche dakong alas-3:20 ng hapon matapos na maligo sa beach resort na sakop ng Barangay Baccuit Norte, Bauang, La union.
Napag-alamang kasama ni Deplanche ang kanyang asawang French national din sa nabanggit na beach resort bago lumangoy sa malalim na parte ng dagat may 50 metro ang layo mula sa dalampasigan.
Bigla na lang lumubog ang biktima at hindi na lumutang pa kaya humingi ng tulong ang asawa nito sa kinauukulan.
Narekober naman ang katawan ng biktima ilang minuto kaya agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklarang patay.
Samantala, si Herman naman ay naligo sa Navalta Reach Resort ng Barangay Alamaeda noong Biyernes ng Marso 9 hanggang sa hindi ito lumutang.
Ganap na alas-3:30 ng hapon naman nang lu mu tang ang bangkay ni Herman sa laot matapos na mamataan ng isang mangingisda. (Edwin Balasa)