^

Probinsiya

NBI: Walang tangkang pagdukot sa Barbers case

-
BATANGAS CITY — Matapos ang masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, idineklarang walang nangyaring bigong pagdukot kay Philippine Tourism Authority General Manager Robert Dean Barbers sa Bauan, Batangas noong Linggo ng Pebrero 10, 2007.

Matatandaang naghain ng reklamo si Barbers sa Bauan PNP matapos siyang tangkaing dukutin ng apat na kalalakihan, kabilang na ang isang pulis at isang airforce sa kahabaan ng highway sa Ba rangay Manghinao sa nasabing bayan.

Napigilan lang ang nasabing pagdukot matapos makialam ang isang peryodistang si Ben Aclan na nagsimulang kumuha ng video footages gamit ang kanyang celfone.

Dahil doon, pormal na hu miling si Barbers kay Secretary Raul Gonzales ng Department of Justice ng isang imbestigasyon kaya inatasan naman si NBI Director Nestor Mantaring para sa nasabing kaso.

Sa 3-pahinang ulat ng NBI, walang mabigat na ibidensya na magpapatibay na may naganap na bigong kidnapping, bagkus maituturing lang itong isang traffic altercation.

Ayon sa ulat, bago naganap ang insidente sa Bauan, nagkaroon muna ng traffic altercation sa pagitan ni Barbers at ni A2C Niño Virtusio sa Barangay Lalayat, San Jose, Batangas. Mariin namang itinanggi ni Barbers na sinuntok niya si Virtusio at naglabas ito ng kanyang baril.

Batay sa NBI report, nagtangkang umobertake ang Ford Explorer ni Barbers sa mabagal na sasakyan ni A2C Virtusio pero hindi ito makalusot na iki nagalit naman ng opisyal.

Sa salaysay ng mga saksi, nang malampasan ni Barbers si A2C Virtusio, bumaba ito sa kanyang sasakyan bitbit ang baril at nagpakilalang pulis sabay suntok sa batok ng sundalo bago ito sumibad patungong Bauan.

Dahil doon, hinabol ni Virtusio si Barbers kasama ang iba pang kapatid nito sakay ng Mitsubishi Adventure hanggang sa magpang-abot sa bayan ng Bauan. Napigilan lang ang engkwentro ng dalawang panig nang makialam si Aclan at kapwa magreklamo sa himpilan ng pulis sa Bauan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY LALAYAT

BARBERS

BATANGAS

BAUAN

BEN ACLAN

DAHIL

VIRTUSIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with