Kabilang sa mga nabawing sasakyan ay ang Cadillac Escalade na nagkakahalaga ng P15-milyon; 2 Acura; 2 Audi; BMW, Mercedez Benz at Nissan Armada na pawang latest model at nagkakahalaga ng P40-milyon.
Ang mga nabanggit na puslit na sasakyan ay naka-display at ibinebenta sa showroom sa bahagi ng Porac, Pampanga nang maabutan ng mga customs personnel noong Miyerkules ng umaga.
Matapos makumpiska ang mga sasakyan ay dalawang Koreanong sina Kim Tae Jong at Kim Young Sam ang sumulpot sa opisina ng Bureau of Customs na kapwa nagpapakilalang may-ari ng mga sasakyang puslit.
Base sa ulat ng Task Force Anti-Smuggling, sina Jong at Sam ang itinuturo bilang mga kasabwat ng isang bigtime smugglers sa Subic Bay Freeport sa pagpapalabas ng mga puslit na sasakyan mula sa Subic Bay Freeport.
Ang nabawing mga sasakyan ay bahagi lamang ang 16 na SUVs na isa-isang ipinupuslit palabas ng Subic Bay Freeport nitong nakalipas na buwan. May posibilidad na may ilang tiwaling opisyal at tauhan ng Law Enforcement Department (LED) at TFAS ang kasabwat sa malawakang smuggling. (Jeff Tombado)