CAMP CRAME  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 31-anyos na misis makaraang gahasain at patayin ay pinasakan pa ng sanga ng punongkahoy at patalim ang ari nito ng tatlong kalalakihan na pawang mga adik sa bawal na gamot sa liblib na bahagi ng Barangay Agcuyawan, Barotac Nuevo, Iloilo kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Josephine Braza Mambaret ng nabanggit na barangay. Samantala, tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Jojo Depita, Marlon Medina, at Gilbert Ladublan.
Ayon sa ulat ng police chief na si P/Chief Insp. Ramon Koreana, huling namataang buhay si Mambaret noong Lunes (Marso 4) na nakikipagtalo sa mga suspek, base na rin salaysay ng 11-anyos na anak ng biktima.
Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng kubo may 300 metro lamang ang layo sa kanilang tahanan. (Edwin Balasa)